Parabula

“At ang isa’y binigyan niya ng limang talento, ang isa’y dalawa, at ang isa’y isa; sa bawa’t isa’y ayon sa kani kaniyang kaya; at siya’y yumaon sa kaniyang paglalakbay..” (Mateo 25:15)

Mahilig akong kumanta, sumayaw, gumuhit at sumulat ng tula. Lahat ng ito ay itinuring kong aking passion ngunit hindi bilang isang talento. Bakit? Kasi hindi ako magaling.

Inaamin ko, mayroon akong inferiority complex. Ayaw ko ng may nakakarinig sa aking pagkanta. Pakiramdam ko kasi sa isip-isip nila ay gusto na nilang takpan ng earplugs ang kanilang mga tenga. Ayaw ko ng may nakakakita sa aking sumayaw dahil may mga nagsabi na ang gaslaw ng aking paggalaw. Ayaw ko rin ng may nakakakita sa aking nagddrowing o makakabasa ng aking sinulat na tula dahil natatakot akong harapin ang kanilang mga nakakatunaw na titig.

Kaya pala ayaw ko ng may nakakatuklas ng mga ito, natakot ako sa sasabihin ng iba. Natakot ako sa kritisismo.¬†Ang bawat pagbuka ng kanilang mga labi ay animo’y bangungot na bumabalot sa akin.

Palagi ko noong naikukumpara ang sarili ko sa iba. Sana kasing galing niya ako kumanta o magsayaw o kung ano pa. Sana magaling ako sa ganito, sana magaling ako sa ganyan. Sana ako siya. Matagal akong namalagi sa ganitong sitwasyon. Matagal ang panahong nagdaan nang narealize ko na mali pala ako.

“At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa’t mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa’t wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.” (1 Corinto 13:2)

Kaya pala mababa ang pagtingin ko sa sarili ko, kaya pala inisip ko na ang mga hilig kong gawin ay hindi papasa sa standard ng mga tao, ay dahil nakatuon ang atensyon ko sa kung ano ang sasabihin ng buong mundo. At sa pagmumuni ko, narealize ko na ang ugat nito ay ang pagsentro ng atensyon ko sa sarili ko. Ninais kong maging pinakamagaling kaya pilit kong itinago ang aking mga talento sa pag-iisip na saka ko ito ilalabas kapag sobrang magaling na ako. At sa kaisipang ito ay nadagdagan ang kasalanan ko: pride. I was not humble enough to accept criticisms as a way to improve myself.

Nakalimutan ko na may nagbigay sa akin nito hindi upang itago at magmukmok sa sulok, kundi upang i-cultivate ito at gamitin sa paglaganap ng kaniyang pag-ibig. Binigyan niya ako ng mga talento hindi upang ipagyabang sa mundo na magaling ako, ngunit upang ibahagi sa mga tao ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng mga ito. Anong saysay ng aking mga talento kung ito ay hindi galing at gagamitin sa pag-ibig? Sa selfless na pag-ibig. Yun bang pag-ibig na galing sa Kanya.

“Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa’t isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios” (1 Pedro 4:10)

Ngayon ay unti-unti nang nawawala ang aking takot na ibahagi ang talentong ipinagkaloob niya dahil alam kong ito ay nagmula sa pag-ibig; ako ay nagmula sa pag-ibig. Sa pamamagitan ng mga ito ay pagsisilbihan ko siya.  With all humility, I will face the crowd and accept criticisms. Hindi na ko matatakot sa sasabihin ng mundo.

999060_690210260992992_1948469290_n

Cheese Overload (Title: One-sided Zones)

Bawat sulok yata ng

mundo ay napuntahan ko na,

Na-haha-zoned noong

ika’y tumawa

Akala mo yata ay

ako’y si Sisa,

Nasabihan ng baliw noong

amining mahal kita

Sa zone of friendship ako ay

nagtagal,

Wala man lang pag-usad,

ay kay bagal!

Sabi sa sarili ay

ayoko na,

Kahit sa chat ako ay

seen-zoned mo pa

Na-dude-zoned na at ang

mas malala pa,

Nag-improve nga, bilang

kapatid pala

Pilitin mang ikaw ay

kalimutan

At yaring pag-asang suntok

sa buwan

Di magawa,

ikaw talaga’y mahal,

Aking pagsinta’y

hindi mapapagal.

-MMBV

(Note: Pagpasensyahan nyo na po ang aking ka-kesohan XD)

“Para kanino ka bumabangon?”

Napangiti ako nang una kong mapanood ang patalastas ng Nescafe. At kahit mataas pa ang sikat ng araw ay para akong nanaginip at bigla akong napaisip. Para kanino o para saan nga ba ako bumabangon? Ano nga ba ang dahilan ng aking bawat paggising sa umaga?

Ano ba ang dahilan ng paglagi ko sa mundo?

Ang dahilan ng aking pagbangon mula sa kama, kung saan mas malakas ang hatak ng gravity kumpara sa ibang parte ng mundo,ay parang kape na nagpapawala ng aking antok sa umaga. Parang alarm clock na gumigising sa natutulog kong diwa. Parang pag-ibig na nagbibigay saya at sigla na kahit masaktan ka ay ayos lang. #hanepsahugot

Ako ay pumikit, huminga ng malalim at nagmuni-muni. A-uuuuuum. Hinalungkat ko ang kaibuturan ng aking isipan. A-uuuuum. Inhale. A-uuuum. Exhale. A-uuuum. A-uuuum. Tama na, nag-eenjoy na ako magmeditate XD

1. Para sa aking pamilya

Karamihan sa atin ay ito ang nagsisilbing driving force. Ang mabigyan sila ng magandang buhay at masuklian ang kanilang pagmamahal at pag-aalaga ang siyang nag-uudyok sa akin upang huwag nang pindutin muli ang snooze ng aking alarm.

2. Para sa aking kapwa

Hindi mo mamamalayan na ang mismong presensya mo sa mundong ito ay malaking bagay na para sa isang tao. Stand up and start the goodness revolution.

3. Para sa bansang Pilipinas

Madali maging Pilipino pero mahirap magpaka-Pilipino. Marami sa atin ang pinanganak sa Pilipinas ngunit walang pakialam sa Pilipinas. Hindi lamang nasusukat sa pagiging updated sa current events ng bansa ang pagkakaroon ng malasakit sa bansa. Kinakailangan na samahan ito ng pagkilos. Ang pagmamahal sa Pilipinas ng buong puso at pag-aambag sa ikauunlad nito at ng mamamayan nito ay sapat na upang matawag ang iyong sarili bilang isang Pilipino.

4. Para sa aking pangarap

Sabi nga nila, paano mo matutupad ang iyong pangarap kung hindi ka babangon at patuloy lamang na mananaginip? Bangon na! Mas magiging maganda ang iyong panaginip kung ito ay matutupad at hindi mananatiling nasa dreamland.

5.¬†“Love life”

Hep hep hep! Ang ibig kong sabihin ay para mahalin ang buhay at mas ma-appreciate ito. Mas maliliwanagan ka kung lalabas ka sa perimeter ng apat na sulok ng iyong mundo.

Masdan mo ang buhay sa iyong paligid. Ang intricacy ng paglikha ng bawat nilalang. Ang kahalagahan ng bawat isa sa mundo. At ang pagmamahal ng Dakilang Lumikha na kanyang ipinamalas sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad na bigyan ka ng pagkakataong makatapak sa mundong ito at maging isa sa mga dahilan ng mabuting pagbabago.