Ang kagandahan ko. Bow

“Weh?”

“Di nga?”

Para bang may sariling boses ang aking utak sa tuwing humaharap ako sa salamin. Sabi ng aking kanang utak, ang aking mukha ay parang abstract painting. Sabi naman ng kaliwa, ang aking kagandahan ay katulad ng square root of negative one– imaginary.

Eh di wow.

Salamat talaga brain sa suporta. Wooh. XD

De joke lang. Sa tuwing humaharap ako sa salamin ay isinasantabi ko ang mga kaisipang naimpluwensyahan ng standards ng society: matangkad, maputi, makinis, matangos ang ilong, maganda ang hubog ng katawan. Lahat ng iyan ay panandalian at kasamang lilipas ng panahon, ‘pagkat ang mga ito ay superficial lamang. What matters most is the beauty of your soul.

Sabi nga ni Christina Aguilera, “I am beautiful no matter what they say, words can’t bring me down.” Kaya kahit na ano pa ang pasaring ng lipunan sa pagdefine ng kagandahan, alam ko ang aking identity at nananatili akong buo. Alam ko sa sarili ko na maganda ako, at maganda ang pananaw ko sa mundo. Nasa perspective yan dude. 😀

Kaya sa tuwing tinitingnan ko ang aking sarili ay isang magandang nilalang aking nakikita (wow naks), dahil “I am fearfully and wonderfully made” (Psalm 139:14).

Napapasabi tuloy ako ng “hanep ang ganda mo talaga” (haha peace yow). Kasi nga I do not see, rather, I perceive. Aba, Master Creator kaya ang humulma sa akin. 🙂 1491248_799187170095300_571421873_o

Pume-Feb-ibig

Love is in the air. Mas madami pa yata ang volume ng pag-ibig kumpara sa oxygen lalo na ngayong Pebrero. Pero bakit love takes our breathe away? #boom

Yiiee may naisip ka na bang plano ng date ninyo? o kung paano siya isusurprise? o kaya magtatapat ka na kay crush? o isa ka rin ba sa mga magkukulong sa kanilang mga kwarto habang pinapalipas ang Feb 14?

Darating na naman ang Valentine’s day. Tataas na naman ang demand sa bulaklak at tsokolate at sa stuffed teddy bear na kulay pink. Mas lalo pang dadami ang mga mamasyal na couples na magka-holding hands, habang ikaw na nagmamadali pumunta sa iyong paroroonan upang makatakas sa romantic atmosphere ay nahaharangan. Kulang na lamang ay dumaan ka sa gitna ng magkapulupot nilang mga kamay. Singles unite! XD

Oops, easy lang dre. Tandaan na hindi lang sa aspetong romantiko nakakahon ang pag-ibig. Ang paligid ay punung-puno ng looooove. Ayon nga sa mga sinaunang Griyego, may pitong uri ng pag-ibig:

  • Philautia

Pagmamahal sa sarili. “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Mateo 22:39). Paano mo maibibigay ang hindi mo hawak? Bago tayo magmahal ng iba, mahalin muna natin ang ating sarili. Sa paraang ito ay nae-expand ang kapasidad nating magmahal.

  • Storge

Pag-ibig ng magulang sa anak at pag-ibig ng anak sa magulang at mga kapatid. In short, pagmamahal sa pamilya 😀

  • Philia

Pag-ibig sa pagitan ng mga magkakaibigan. Yung tipong malalimang pagkakaunawaan sa pagitan ninyo at handa kayong magsakripisyo para sa isa’t isa.

  • Ludus

Mapaglarong pag-ibig. Need to say more? XD

  • Eros

Ito yung tinatawag na sensual at passionate o romantic love. Word of caution: Sa mga nakakaranas nito, mag-ingat na kayo ay mapangibabawan ng pag-ibig na ito. Ito ang klase ng pag-ibig na nakakabaliw (ayon sa ancient Greeks haha).

  • Pragma

Parang Motolite, pangmatagalan 😀 Ito ang uri ng pag-ibig ng mag-asawa o sa pagitan ng dalawang tao na tumatagal habang lumilipas ang panahon. For richer or for poorer, ’til death do us part, ‘ika nga.

  • Agape

Para sa akin, ito ang pinakamataas na uri ng pag-ibig. Selfless, unconditional love. Ito ay ang pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa na walang hinihintay na kapalit. Maari din nitong ilarawan ang pagmamahal ng Panginoon sa atin. Subukan mong damhin ang iyong bawat paghinga. Mararamdaman mo ang wagas na pag-ibig Niya 🙂

Kung isa ka sa mga sawi sa pag-ibig o naghihintay ng pag-ibig ngayong Pebrero, wag ka na malungkot. Darating din ang the one. Sa ngayon ay iprepare mo ang sarili mo to be the best person you can be para pag dumating siya ng hindi mo namamalayan, handa ka. 😀

Tayo ay nabubuhay sa ating bawat paghinga. Kasi, love is in the air nga di ba? 🙂

10882268_10202934892046229_4364997607612556439_n

References:

Krznaric, Roman. Posted Dec 27, 2013. “The Ancient Greek’s 6 Words for Love (And Why Knowing Them Can Change Your Life)”. Yes! Magazine.  Web. Accessed 01 Feb 2015. <http://www.yesmagazine.org/happiness/the-ancient-greeks-6-words-for-love-and-why-knowing-them-can-change-your-life&gt;

“The Seven Kinds of Love”. Southbank Centre. 2014. Web. Accessed 01 Feb 2015.<http://www.southbankcentre.co.uk/whatson/festivals-series/festival-of-love/the-seven-kinds-of-love&gt;

Photo courtesy of RVYasoña