101 Random Facts About Me

First fact about me: introvert talaga ako since birth. Siguro kahit nung fetus pa ako haha XD Pero unti-unti akong natutong mag-open up noong natutunan kong sumilip sa bintana ng aking sariling mundo. Di naman dahil sa takot ako sa tao o nahihiya ako (pero minsan nahihiya talaga ako), di lang talaga ako sanay makihalubilo sa maraming tao. Di rin naman dahil malungkot ako, may mga pagkakataon kasi na mas naeenjoy ko ang pag-iisa. Lalo nang di dahil hindi ako nag-eenjoy sa presence ng ibang tao, masaya ako sa piling ng mga tao sa aking paligid pero minsan ay kailangan ko ng “me time”. I have learned to enjoy the company of people around me at the same time enjoying my own solitude. Naks. Maraming salamat Doctor sa iyong pag-tag sa akin. Sorry po kung late haha. Nainspire ako na mas ipakilala ang aking sarili. (Hingang malalim) Eto ang 100 pang mga bagay tungkol sa akin :

  1. Nung bata ako, nagtataka ako kung bakit hindi sine-celebrate sa school ang birthday ko. Habang tumatanda ako, narealize ko na bakasyon nga pala birthday ko (December 28). haha! XD
  2. Akala ko dati pwedeng sakyan ang clouds. O kaya kainin.
  3. Nung bata ako, ang mga kalaro ko daw ay sila Milo, Toyo, Suka at Asukal. Hahahaha
  4. Pagkapanganak sa akin, inialay daw ako kay God nung midwife na nagpaanak kay mama.
  5. Panganay ako sa anim na magkakapatid. Mukhang may pattern pag pinagsama sama ang first letter ng first name namin kasama kila Mommy at Daddy (mula sa kanila hanggang sa pinakabunso): A. G.  M.  A.  G.  M.  A. G. Pero pramis di yon sinadya. hahaha
  6. Nasa lahi namin ang sakit sa puso. Waaah </3
  7. Tatlo kaming Mara na magpipinsan.
  8. “She said to them, “Do not call me Naomi; call me Mara, for the Almighty has dealt very bitterly with me.” (Ruth 1:20). Ang ibig sabihin ng Mara sa Hebrew ay “bitter” but with the relation of “strength”. Sinabi ito ni Naomi hindi dahil nagtatampo siya kay Lord kundi dahil mas naging malakas siya dahil sa kalungkutang dinanas niya noong pumanaw ang kanyang asawa at mga anak. (Source: Abarim Publications)
  9. Mga subject na paborito ko nung highschool: Science, History at Recess.
  10. Subject na pinakamahina ako: Math. Huhubels.
  11. Dark age kong maituturing ang 3rd year highschool. Doon nagsimulang maramdaman ko ang galit sa mundo, lalo na sa sarili ko.
  12. Na-ppressure ako sa di ko malamang dahilan. Di ako makaiyak kahit gusto ko umiyak, kaya naging outlet ng aking pain ang pagsugat sa aking pulso gamit ang blade.
  13. Pero di naman malalim para maubusan ako ng dugo. ang dahilan ko noon ay baka kasi malaman ng pamilya ko, ayaw ko maging pabigat sa lahat ng tao.
  14. Pakiramdam ko nasasakal ako nun sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Pakiramdam ko walang nakakaintindi sakin. Pakiramdam ko lang pala yun.
  15. Patapos na ang 4th year highschool noong narealize ko isang araw na ako lang ang naghihinder sa sarili ko para maintindihan ng mga tao sa paligid ko. Ako lang ang naglalagay ng wall sa pagitan namin.
  16. Narealize ko na hindi ako nag-isa kailanman. Na walang pumapansin sa akin. Narealize ko na ako lang pala ang hindi pumapansin sa kanya. Andyan lang pala palagi si Lord at minamahal ako ng lubusan. Yieee ❤
  17. Dahil sa narealize ko ang wagas na pag-ibig niya ay nabuksan ang aking isipan sa pag-ibig na bumabalot sa akin. Through my family, friends and neighbors ❤
  18. 4th honorable mention ako nung grumadweyt ng highschool.
  19. Had a memorable Encounter with Him noong September 2012.
  20. Currently studying BS Agriculture Major in Entomology at the University of the Philippines Los Baños, Laguna.
  21. Specializing in Insect Taxonomy 😀
  22. Tatlong subject pa lang na-flat uno ko ngayong kolehiyo: AEC 1 (Agricultural Extension Communication), at dalawang Physical Education courses, PE 1 at PE 2 (Shakti).
  23. May isang subject na ko na na-tres. Chem 40. :/
  24. Malakas ang loob ko na umamin sa crush ko. Para no regrets haha. Di naman kasi ako gaanong nag-eexpect.
  25. Lagi ako naffriendzone. haha
  26. May tatlong category ang pagkakaroon ko ng crush. Level 1 pag happy crush, Level 2 pag di lang sa looks o talent ang pinagbasehan ko, at Level 3 ang “aba matinde” type of crush. Yung last level ang kadalasan inaabot ng several months o years.
  27. Mula 1st to third year, may mga happy crush ako every subject. “Inspiration” haha.
  28. Misteryosong naglaho ang pagkakaroon ko ng crush mula noong magfourth year ako. Pinalitan ng thesis. hahahahahaha
  29. Pero may mga inaadmire pa rin ako syempre, di ko nga lang masyado napagtutuunan ng pansin kaya di nadedevelop as deep crush.
  30. No boyfriend since birth.
  31. May mga nagtangka manligaw pero di pa ako ready ng mga panahong yun. Kung kelan ready na ako saka wala. Haha joke XD Di ko rin alam kung ready na ba talaga ako ngayon. May tamang panahon para dyan 😀
  32. Sakto favorite number. December 28,1994 ako pinanganak. 28 years old ako dapat kasal na ko. hahaha
  33. Mahilig ako makinig sa senti songs haha. Lalo na OPM. Tagos sa puso ❤
  34. Parokya ni Edgar, Silent Sanctuary at Up Dharma Down are ❤ ❤ ❤
  35. Sa international artists ay si Celine Dion, The Script at Ed Sheeran. Pati sila Karmin at Cher Lloyd.
  36. Gusto ko rin kanta ng Linkin Park, Simple Plan at Imagine Dragons.
  37. Mahilig ako dati sa Kpop. Nung naging busy sa college di na ko updated kaya yun haha.
  38. Sumali kami dati sa Kpop dance cover contest. Di kami nanalo haha. Pero the experience was worth it ❤
  39. Mahilig din ako dati sa Jpop. Nagsimula ito nung 2005 noong ipinalabas ang Gokusen. Hart hart
  40. Mahilig din ako sa anime. Di nga lang ako nagkakaroon ng pagkakataon na tumutok sa panonood.
  41. Pangarap ko din mag cosplay.
  42. Mahilig ako kumanta. Lalo na sa cr.
  43. Favorite song of the moment: Oo by up Dharma Down saka Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.
  44. Favorite praise and worship song: Rise and Sing by Fee.
  45. Themesong ko dati ang Welcome to My Life by Simple Plan.
  46. Mahilig din ako sumayaw. Lalo na hip hop. Ineexplore ko pa ang interpretative haha.
  47. Pero medyo mahina ako makagets ng step. Nahihirapan ako sa hand and foot coordination haha.
  48. Mahilig ako magdrawing. Pero yung may gayahan.
  49. Karaniwan anime dinodrawing ko, pero tinatry ko na yung portraits.
  50. Mahilig ako magbasa. Kahit anong pwedeng mabasa. Kahit pa yung ingredients ng sitsirya pag na-curious ako.
  51. I love the novels of Dan Brown, Bob Ong and Lualhati Bautista.
  52. Me loves Kikomachine Komix ni Manix Abrera. Sayang di ako nakapunta nung Elbikon 2014 huhu. (P.S. Kung sino man po ang may Kikomachine Komix mula bilang 3, pahiram pleaaaaase)
  53. Gusto ko talaga matuto mag gitara.
  54. Nung bata ako, pag tinatanong ako kung ano gusto ko maging paglaki ko, ang isinasagot ko ay beauty queen. Ha. Ha. Ha. XD di ko alam kung bakit yon. hahahaha
  55. Pangarap ko maging bokalista ng isang banda.
  56. Pangarap ko rin maging propesor.
  57. Di ako gaanong mahilig sa matamis, madali akong masuya. Maliban sa Toblerone. Exception yun haha.
  58. Mas gusto ko yung savory.
  59. Comfort food combo ko ay cinnamon roll, raisins at tsaa. Ironic haha.
  60. Paborito ko din gummy at sour worms.
  61. Fried chicken forevs. o kaya adobo. o tinola. basta manok haha.
  62. I love coffee ❤ pero dinidisiplina ko sarili ko na at most 2 cups of coffee per day.
  63. Hindi ko talaga kaya ubusin ang isang slice ng buko pie.
  64. Naiirita lalamunan ko pag nasasayaran kahit kaunting paminta. Pero keri ko naman ang paminta pag may kasamang ibang pagkain haha.
  65. Hindi ako marunong magluto (as of now).
  66. Pero yung mga nakababata kong mga kapatid ay marurunong magluto. Awtsuu Ate. haha
  67. Favorite flower ko ay white rose.
  68. Favorite insect ko ay butterfly. Lahat ng hardships ng pagiging caterpillar ay kailangan upang siya ay magdevelop at magmature. Itinuturing siyang peste ng karamihan, ngunit hindi magtatagal ay malalaman din nila ang kanyang worth. Deep pare 😀 pero yan talaga rason ko kung bakit ko ito paborito.
  69. Mahilig ako magtetris.
  70. Dati naadik ako sa Pet Society. Hehe
  71. Wala akong strategy pag naglalaro ng chess. Come what may hahaha.
  72. Takot ako dati sa bola kaya di ako naglalaro ng ball games. Highschool na ako natutong magbadminton. Masaya pala haha.
  73. Pangarap ko matutong magbasketball.
  74. Japan ang pinakauna kong gustong mapuntahan outside the country. Gusto ko rin makapuntang Paris. sweet. hahahahaha
  75. Kung makakapaglibot man ako sa buong mundo, yun ay for tourism purposes only. Nasa Pilipinas pa rin talaga puso ko eh haha.
  76. Gusto ko talaga ang amoy ng mga bagong labang damit XD at ng ginigisang sibuyas.
  77. Pero di ako gaanong mahilig magpabango.
  78. Mahilig ako magselfie. Hahaha
  79. Ayaw ko ng tunog ng styrofoam na ikinikiskis sa pader.
  80. Tingin ko sweet ang slow dance. Hahaha char.
  81. o kaya harana.
  82. Minsan random ako, minsan organized. Depende sa mood XD
  83. Past time ko pala ang pagsipol.
  84. Mula nang malaman ko na may rabies, takot na takot ako madampian ng laway ng aso o kahit anong hayop.
  85. Imbis na hugasan, tinatapon ko mga kutsara namin pag napapadampi o kahit nalalapitan lang ng aso namin. Kaunti na lang tuloy mga kutasara namin. Hahaha
  86. Nalaman ko na hindi naman pala inborn ang pagkakaroon ng rabies.
  87. Pero takot pa rin ako. Mahirap na haha.
  88. Mas close ako sa pusa kesa sa aso haha. Pero mahal ko pa rin mga aso nu.
  89. Yung pusa namin dati ang pinangalan ko ay Meowth.
  90. Lagi ako nagigising na nasa paanan ko siya kahit nasa labas siya bago ako matulog at nakasara naman ang pinto. Waaah haha
  91. Isang gabi, di ko namalayan na nasipa ko na pala siya (kasi nga ako’y tulog haha), tapos nakalmot niya ako. Umiyak ako kinabukasan kasi akala ko mamamatay na ako. hahaha
  92. Nung naglilipat kami ng bahay, di namin siya makita (baka nagliwaliw na naman) kaya di namin siya naisama. Namimiss ko pa rin siya hanggang ngayon.
  93. Namimiss ko rin yung aso namin na kakamatay pa lang noong January 2015. Pinalampas lang ang New Year’s eve huhu </3
  94. Sumusulat ako ng tula pag inspired ako o wala akong magawa. Or both XD
  95. Di ko na alam kung saan ko nilagay yung mga isinulat ko.
  96. Nahihirapan talaga ako magsulat ng essay o iba pang mahahabang akda. Kaya achievement ang pagkakaroon ko ng blog 😀
  97. Madali ako mamula. Haha
  98. Mahilig ako ngumiti. Sinubukan ko na di ngumiti ng isang araw, di ko nagawa XD
  99. Mahiyain ako XD pero makulit ako lalo na sa mga kapatid at magulang ko. Kapag makulit ako (na minsan parang bata) sa isang tao, sobrang palagay loob ko sa kanya. As in sobra haha
  100. Isang linggo ko pinag-isipan ang mga bagay na to tungkol sakin. Haha

Ayan. Naipost ko rin sa wakas pagkatapos ng masinsinang pag-eevaluate. Hahaha 😀 Dahil dito, mas naappreciate ko ang mga bagay na tungkol sa akin at mas nakikilala ko din ang aking sarili. Ikaw, subukan mo rin 😀