Love is BLOG #bookreview

11653278_10206379728788035_2021199948_n

Paunang babala: Huwag basahin ang “Love is BLOG” ng may kasama. Baka mahampas mo siya.

Ang librong “Love is BLOG” ay isinulat at inilimbag ng isang doktor na itago natin sa pangalang (ehem) Dr. Eamer. Ito ay tungkol sa pag-ibig na nabuo sa pagitan ng dalawang bloggers na sila Hannah at Pep. At siyempre, sa tamang diskarte at timing.

Ang swerte ko dahil may dedication ni Dr. Eamer ang front page ng “Love is BLOG” (na hindi ko naupload dahil di gumana ang connector). Opo, mag-aaral po ako ng mabuti para sa kinabukasan ko at ng bayan. Haha. Tatangkad din ako XD

Now going deeper inside the book. Foreword pa lang, matindi na. Muntik na ako langgamin sa tamis ng isinulat ng future wife ni Doctor. Dahil diyan, ako’y nakaabang kung sino ang magiging partner at co-author niya sa kanyang mga susunod na libro 😀

Ang karakter ni Pepito Corazon o Pep ay aking hinahangaan sapagkat naramdaman ko ang kanyang sinseridad at pag-ibig kay Hannah. Dahil ang imahinasyon ay mas makapangyarihan kaysa mga napapanood na pelikula sa telebisyon, di ko mapigilan ang sarili ko na kiligin sa mga pinagsasabi at pinaggagawa ni Pep. Lalo na nung nagtatapat na siya at binanggit niya ang mga katagang “gusto kita,”. Pinangatawanan niya  ang kanyang apelyido, na ang ibig sabihin sa Ingles ay “heart” o sa Tagalog ay “puso”.

Grabe Doc, kailangan ko magpa-check-up, nakakabilis ng pagtibok ng puso ang libro mo haha. Astig talaga ‘pag ang pinaghuhugutan ng pag-ibig ay si Lord 🙂

Ako ay nainspire kay Hannah Aquino sapagkat hindi niya binaba ang kanyang standards upang kumawala sa Asosasyon ng mga Nag-iisa. Haha. She waited for that one perfect man that surpassed her standards and got the perfect love that she deserves.

Oo nga naman, kung ibaba mo ang standards mo sa paghahanap ng para sa’yo dahil ikaw na lamang ang nag-iisang single sa barkadahan niyo, hindi na siya si Mr. Right. Chances are, you might stumble upon the Mr. Wrong. Huwag mawawalan nag pag-asa kung hindi pa siya dumarating. At habang hinihintay mo siya, pagkakataon na iyon upang iimprove ang sarili mo para pagdating niya, handa ka na.

May pagkakatulad din si Hannah Aquino at si Hannah sa Bible na taimtim na nanalangin sa Panginoon upang siya ay biyayaan ng anak sa katauhan ni Samuel (1 Samuel 1:1-10). They both prayed and waited for the the will of the Lord. Whooaaa the power of waiting 😀 (pahiram po Dr. haha).

Ang mga karakter naman nina Rolly at Dem naman ay mga testimonya kung paanong ang wagas na pag-ibig ay maaaring makapagpabago. Kung ano ang kanilang kuwento, inirerekomenda kong basahin ninyo ang libro 😀

Sa aking pananaw, medyo mabilis nga lamang ang takbo ng istorya. Nagsisink in pa lamang sakin ang mga pangyayari ay di ko namalayang patapos na pala.

Akin ding iminumungkahi na isa o dalawang blog entries kada chapter dahil maaring sobrang mabitin ang mambabasa at laktawan ang blogs. O di kaya ay mawalan sila ng momentum sa pagbabasa. Sayang dahil sobrang useful ng mga payo ni Dr. Eamer sa kanyang blog entries at nakapanghihinayang kung ito ay malalampasan lamang.

Love story ba kamo? Ang librong ito ay aking inirerekomenda sa lahat ng nagmamahal, nagmahal at naghahanap ng pagmamahal. Lalo na sa mga kabataan na maraming katanungan sa usaping pag-ibig. ❤

Pahabol:

Naalala ko ang kanta ng Up Dharma Down na Tadhana dahil dito haha. Shameless plugging sa cover namin ni Kuya Dean haha:

Pahabol ulit:11647261_10206379730508078_316786898_n
Sa naghandog po sa akin ng librong ito, ako pa ay humihingi ng tawad; hindi ko nagustuhan ang librong ito. Dahil ito ay naibigan ko ❤ Haha. Thank you for giving me a treasure, sana po ay makilala kita upang ako po ay makapagpasalamat ng personal 🙂

#ayiee

#selfiengkinikilighahaha

Pahabol times three:

Sa kanan ako laging sumasakay, dahil baka andun si Mr. Right 😛 at doon palagi ang klase ko hahahaha. The power of waiting ulit 😀 haha

2 thoughts on “Love is BLOG #bookreview

  1. What can I say? Thanks Mara! 🙂 FYI, ngayon ko lang nalaman na ang “Corazon” ay may ganoong etymology. But the middle name of Pep is Yattyr. I intentionally put it there.hehe Since it means excellent.. Thanks for that revelation!

    Thanks for the comments and suggestions! God bless! May you find the Pep of your life.hehe

    Liked by 1 person

Leave a Reply to Doctor Eamer Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s